Gawa ni Allyson Tavera Fortuno
Ang piraso ng likhang sining na ito ay ipininta sa isang headdress na ginagamit sa filipinana ng isang babae. Ipininta dito ang babaeng filipina na nakasuot ng tradisyonal na mga costume. Ang ilan ay maaaring kilalanin tulad ng Miss Universe 2015, Pia Wurtzbach. Kasama dito ang ating pambansang bulaklak na "sampaguita" at pati na rin ang ating pambansang dahon na "anahaw". Ang piraso ng likhang sining na ito ay kumakatawan sa kapangyarihan at pagkilala sa babaeng Filipina. Silang lahat ay malakas, matalino at makapangyarihan.
Comments