top of page
Anchor 1

Silakhuyo: Babae

Isinulat ang tulang ito upang magbigay importansya sa papel na ginagampanan ng ating kakabaihan sa lipunan.


May isang nilalang na

Malaki ang ginagampanan

Sa buhay ko at ng ibang tao

Siya ang pinagmulan

Siya ang simula

Ng ‘sang katauhan

Siya ang hangganan

Ng ating kalungkutan

Isang tao na

Nangingibabaw sa lahat

Kagandahan niyang taglay

Ay walang katulad

Makikita mo ito

Hindi lamang sa panlabas na anyo

Kundi pati na rin sa loob

Sa ika-buturan ng puso

Siya ay nilikha

Ng ating Diyos Ama

Upang mag bigay

Buhay at pag-asa

Siya ay espesyal

At higit sa ating lahat

Sukli sa kaniyang pagmamahal

Pasasalamat ay hindi sapat

Sino siya sa buhay mo?

Ano siya sa buhay ko?

‘Di alam kung saan tutungo

Kung wala siya sa mundong ito


Kalalakihan, tandaan ninyo

Ang kakayahan niya bilang tao

Labis ang sakripisyo

Makamtan lang ang mga pangarap niyo


Sa pagsasama

Hindi siya dapat mawala

Hindi rin siya kailangan mabuo

Bagkus ay maging isa at kapantay mo


Bigyan ninyo ng parangal

Tratuhin ng may dangal

Makita niyo siyang katuwang

At kasangga sa buhay


Mga anak isipin ninyo

Labis na hirap ang dinadanas

Siyam na buwang pagbubuhat

Makita niyo lang ang mundo


Hindi masusukat

Sakit na nararanasan

Nasa bingit ng kamatayan

Mai-luwal ka lamang


Lahat ng hirap at sakripisyo

Naglaho ng parang bula

Iyak mong tumubos nito

At nagdala ng ligaya sa kaniyang mukha


Sa pag daan nang mga taon

At paglipas nang panahon

Lumaki ka nang malusog

Dahil sa pagmamahal ika’y busog


Magdamag nasa tabi

Napapraning ‘pag ika’y humihikbi

Babantayan ka parati

Araw man o gabi

Nang ikaw na ay lumaki

Puting buhok rin niya’y dumami

Wala pa ring inatupag kundi mag-alaga

Kahit ayaw mo na

Ikaw ay naiinis

Nakukulitan dahil paulit-ulit

Siya ay nagpapaala ala lamang

Kaya intindihin

Sa iyong mga pagkakamali

Pag-ibig pa rin ang nanaig

Patuloy kang inalagaan

Marapat lang na ito’y suklian

Hindi pa huli ang lahat

Sa kanya ay mag pasalamat

Ngayon ika’y natuto na

Magpairal ng puso sa bawat gawa


Nang makabuo ng pamilya

Nariyan pa rin siya

Patuloy ang pagmamahal at suporta

Kahit kaya mo na

Ngayon ay ramdam mo na

Mga sakripisyong ginagawa

Responsibilidad ng mga magulang

Lalo na sa pagiging ina

Kaya huwag siyang maliitin

At huwag baliwalain

Ang papel na ginagampanan niya

Sa buhay natin

Hindi tayo ganap na tao

Kung wala siya dito

Siya ang direksyon

At liwanag ng mundo


Isinulat ni Aimee

Recent Posts

See All

Silakhuyo: If I Were a Boy

This short piece is written as I recall a few experiences of my struggle with gender roles--which are both evident from childhood up to...

Comments


bottom of page