top of page
Anchor 1

Silakhuyo: Ang Babae sa Kuwarto 612

This is a poem reflecting the effects of colonialism and imperialism in our country — which is very much still rampant today. The piece's persona is someone greatly in love with the girl next door constantly being abused by men. The said persona is then fuelled by love to protect her, but cowards away and loses their chance. In the end, they become willing to actually fight for the girl, who is the reflection of the Philippines.


Dumating ako sa dormitoryo ko sa Maynila,

At may nakita akong babae sa kuwartong 612.

Tila buhok niya’y parang alon sa dilim ng gabi.

Puno ng santan ang kanyang matatabang pisngi.

Sa kanyang kutis, sinasalamin ang hinirang na lupain.

At sa ngiti niya, ang araw at pati mga bituin ay madarama mo rin.

Minsan, nangarap akong magtanim ng sariling sigla

Upang magpakilala sa babae sa kuwartong 612

Ngunit may nauna, nang bumukas ang aking labi

At ang oportunidad ay nawala na sa akin.

Parang ngayon ko lang nakita ang ganitong klaseng lalaki:

Malakutsilyong ilong, at hawig-asukal ang balat.

Lumapit naman siya sa babae sa kuwartong 612,

Dala-dala’y rosaryo, habang sa babae naman niya’y sinabi

“Mahal na mahal kita. Tiwala ka lang sa’kin.”

Minsan, ginusto ko’ng magtanim ng sariling sigla

Upang magpakilala sa babae sa kuwartong 612,

Ngunit may nauna, nang bumukas ang aking labi

At ang oportunidad ay nawala nanaman sa akin

Parang ngayon ko lang ulit nakita ang lalaki:

Malakutsilyong ilong, at hawig-kalapati ang balat.

Lumapit naman siya sa babae sa kuwartong 612,

Naghahawak ng libro sa kamay, habang sa babae naman niya’y sinabi

“Mahal na mahal kita. Tiwala ka lang sa’kin.”

Sana ginawa ko’ng magtanim ng sariling sigla

Upang magpakilala sa babae sa kuwartong 612

Ngunit may nauna, nang bumukas and aking labi

At ang oportunidad ay muling nawala na sa akin

Sana huling beses ko nang makita ang lalaki:

Malakutsilyong ilong, at hawig-kalapati ang balat.

Lumapit naman siya sa babae sa k’wartong 612.

Bitbit baril at armas, habang sa babae naman niya’y sinabi

“Mahal na mahal kita. Tiwala ka lang sa’kin.”

Iilang taong nagtagal, mas lumala ang sugat

Sa’king puso para sa babae sa kuwartong 612

At mas bumukas nang narinig ko ang kanyang pighati

“Kailan kaya ako makakaranas ng tunay na pag-ibig?”

Patulong naman dito.

Hindi ko ‘ata kaya ‘to.

Totoo, andito lang ako.

Ako ay totoo.

At sana lang naman, ako’y mapapansin mo dito

Naghihintay, at ngayo’y tunay na maglalaban

Para sa babae sa kuwartong 612.


Isinulat ni Ani

Recent Posts

See All

Silakhuyo: If I Were a Boy

This short piece is written as I recall a few experiences of my struggle with gender roles--which are both evident from childhood up to...

Silakhuyo: Babae

Isinulat ang tulang ito upang magbigay importansya sa papel na ginagampanan ng ating kakabaihan sa lipunan. May isang nilalang na Malaki...

Comments


bottom of page