Isinalin ni: DOLLABILLBO$$, Milktea đ¤¤, at kaditatiNGZ
Likhang-sining ni: WAP Monster, Parang Like, liBRUH
Ang aborsyon ay isang medikal na pamamaraan ng pagtanggal ng bilig mula sa matris ng isang ina at kilala rin ito bilang âtermination of pregnancyâ. Binibigyan ito ang kababaihan ng kalayaan na ipatigil ang isang hindi kanais-nais o hindi planadong pagbubuntis. Mayroong dalawang paraan upang sumailalim ng isang aborsyon. Ang una ay sa pamamagitan ng âabortion pillâ, na nagsasangkot ng dalawang tabletas at kinukuha depende sa kung gaano na katagal ang isang babae sa kanyang pagbubuntis. Ang una ay kinukuha hanggang sampung linggo sa pagbubuntis at nagiging sanhi ng isang maagang pagkalaglag (sobra-sobrang pagdurugo, pulikat malapit sa matris). Ang pangalawa ay kinukuha sa pagitan ng sampung linggo hanggang dalawampuât apat na linggo at nagiging sanhi ng maagang kapanganakan ng ina, at itinutulak ang sanggol palabas ng sinapupunan. Ang isa pang opsyon upang sumailalim ng isang aborsyon ay sa pamamagitan ng kirurhikong pamamaraan. Mayroong dalawang paraan para rito. Ang isa ay ang âvacuum aspiration,â at ang isa pa ay ang âdilatation and evacuation.â Ang âvacuum aspirationâ ay maaaring mangyari hanggang sa labinlimang linggo sa pagbubuntis, at ang pamamaraan nito ay nagsasangkot ng paggamit ng âgentle suctionâ upang matanggal ang bilig sa sinapupunan. Ang dilatation at evacuation ay isinasagawa sa pamamagitan ng paggamit ng mga tiyani upang matanggal ang bilig sa leeg ng sinapupunan. Ang ina ay nilalagay sa ilalim ng anestesya tuwing isinasagawa ang kirurhikong pamamaraan na ito. Gayunpaman, maraming humahatol sa pagsasagawa ng aborsyon sa Pilipinas kung kayaât nagresulta ito sa malaking bilang ng kababaihang Pilipino na nagsasagawa ng hindi ligtas na mga pamamaraan upang tigilan ang kanilang pagbubuntis. Ang Simbahang Katoliko ay nagpahayag ng matinding pagtutol sa pamamaraang pangkalusugan na ito, at dahil dito ginagawa na rin ng gobyerno ang pagpapakita ng kaunting suporta para sa mga modernong kontraseptibo. Bilang resulta, halos isang libo (1000) ang mga Pilipina na namamatay kada taon dahil sa hindi ligtas na pamamaraan ng pagsasagawa ng kanilang aborsyon, at pinapakita ng bilang na ito na madalas isinasagawa ang aborsyon sa Pilipinas ngunit nasa mga hindi ligtas at hindi malinis na mga kondisyon naman.
Bakit dapat gawing ligal ang aborsyon
Ang aborsyon ay isang karapatang pantao
Mula 2015 hanggang 2019, humigit-kumulang 121 milyong mga hindi sinasadyang pagbubuntis ang naitala kada taon, 61% nito ay humahantong sa pagsasagawa ng aborsyon. Kung tutuusin ito ay aabot sa 73 milyong mga aborsyon kada taon. Ang aborsyon ay kinakailangan gawin ng maraming kababaihan ngunit ito ay labag sa batas sa karamihan ng mga bansa. Dahil dito, ang mga kababaihan ay napipilitang gumamit ng hindi ligtas na paraan. Kung kayaât ang aborsyon ay isang uri ng pangangalaga sa kalusugan at ang pagkakaroon ng ligtas na aborsyon ay isang karapatang pantao.
Lahat ay may karapatan sa mabuting kalusugan at walang sinuman ay nararapat sumailalim sa paghihirap at hindi makataong parusa ayon sa isang pahayag ng International Human Rights Law. Ang karapatan sa kalusugan ay kasama sa kalayaan at nagtatatag ng âbodily autonomyâ o ang karapatan sa sariling pangangatawan ng walang panlabas na pagbabanta. Dahil dito, ang sinumang hindi nais sumailalim sa aborsyon at pinagpipilitan parin ipatuloy ang pagbubuntis ay lumalabag sa kanilang sariling karapatang pantao. Ang pagpapagawa nitong iligal ay paglabag rin sa kanilang karapatan sapagkat pinipilit nito ang babaeng sumailalim ng aborsyon na pagdaanan ang pag-uusig at kaparusahan, na nasa anyo ng pagkakakulong na maaring humantong sa malupit na pagpapahihirap, o hindi makataong pagpapahihirap. Tangi pa roon ay lahat ng may kayang manganak ay mayroong karapatan magkaroon ng ligtas na aborsyon pati na rin ang pangagalaga pagkatapos ng pagkatapos sumailalaim ng aborsyon.
Ang pagpili ng Ina
Ang hindi ginustong pagbubuntis ng ina ay higit pa sa kinahinatnan ng pagtatalik dahil ito ay isang pangyayari na nagpapabago sa buhay ng isang tao. Kung ang pagbubuntis ay naging resulta ng isang napagkaunawaan o di-napagkaunawaan na pagtatalik, maging nabigo man o hindi ang paggamit ng kontraseptibo sa pagpigil sa pagbubuntis, wala pa ring sitwasyon ang magbibigay-katuwiran sa pagpipilit ng isang babae sa napakalaking responsibilidad na pagpapalaki ng isang bata.
Ang isang ina pa rin ang dapat magpasya kung ano ang pinaka mahusay na pakikitungo sa isang hindi ginustong pagbubuntis. Maraming kadahilanan ang nakakaimpluwensya sa pagpapasya ng isang babae kung siya ay kukuha ng aborsyon kagaya ng kakulangan sa tulong pinansyal, kakulangan sa katuwang o posibleng mga isyu sa kalusugan na maaring mangyari sa panahon ng pagbubuntis. Ang iilan sa mga kababaihan ay mayroong suporta ngunit hindi pa rin sila handa na maging isang ina, habang may iilang pinipiling ipagpatuloy ang pagbubuntis at palakihin ang bata sa kabila ng kawalan ng socioekonomikong tulong. May iilang mga ina na pinipiling manatiling buntis at ipaampon ang kanilang mga anak pagkapanganak. Ngunit, may iilang mga kababaihan na mas gugustuhin na tapusin ang kanilang pagbubuntis kaysa ilagay ang isang bata sa makabagong pamamaraan ng ampunan. Lahat ng mga opsyong ito ay tama at wasto. Kung anuman ang pipiliin ng isang babae o ano man ang mga kadahilanan sa likod ng kanyang pagpapasya, bilang isang ina, siya pa rin ang may karapatang pumili kung ano ang kanyang gagawin.
Kaligtasan ng ina
Ang pagpili ng opsyon na ito ay maaaring magdulot ng mga malubhang kahihinatnan para sa mga kababaihan sa Pilipinas, kung saan ang aborsyon sa ilalim ng anumang kalagayan ay hindi lang hinahatulan, ngunit ganap na ipinagbabawal. Ang mga kababaihan na sumasailalim sa aborsyon ay maaaring makulong ng dalawa hanggang anim na taon habang ang iba ay maaaring mawalan ng buhay at ipapatay.
Sa paningin ng gobyerno ng Pilipinas, ang isang epektibong paraan para maiwasan ang pagsasagawa ng mga aborsyon ay kung gawing iligal ito. Hindi nila maunawaan na hindi ito binabawasan ang hindi sinasadyang pagbubuntis sa mga kababaihan, at sa gayon ay hindi rin natatanggal ang pangangailangan na magsagawa ng mga aborsyon. Ginagawa lamang nitong mapanganib at mahirap ma-access ang pamamaraan ng pagsasagawa ng kanilang aborsyon. Kahit na may dala itong kapanganiban, libu-libong mga kababaihang Pilipina ang sumasailalim sa aborsyon bawat taon, madalas na nasa ilalim ng mapanganib at nakamamatay na kondisyon.
Ang mga kababaihang Pilipino, lalo na ang mga mahihirap na maaaring walang access sa mga kontraseptibo upang maiwasan ang mga hindi planadong pagbubuntis, ay madalas na napipilitang sumailalim sa aborsyon na iligal o labag sa batas. Ang mga backstreet na aborsyonista ay gumagamit ng mga barbaric at hindi napapanahong mga pamamaraan ng pagsasagawa ng aborsyon upang makaipon ng pera sa mabilisang paraan kahit na nasa panganib ang kaligtasan ng kababaihan. Ang mga pamamaraang ito ay maaaring humantong sa mga nakamamatay na pinsala para sa kababaihan. Noong 2008, siyamnapung libong (90,000) kababaihan ang nakaranas ng mga komplikasyon pagkatapos sumailalaim ng aborsyon habang hindi bababa sa isang libo (1,000) sa kanila ang namatay. Maraming mga kababaihang Pilipino na naghahanap ng pangangalaga para sa kanilang pisikal at mental na kondisyon na hindi nila akalaing magiging dulot ng pagsasagawa ng aborsyon ay nakakatanggap ng pagkapoot mula sa mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan dahil sa stigma o kahihiyan na nakapalibot sa aborsyon. Sa kabila ng Reproductive Health Act na kasama na ang pagbibigay ng wastong serbisyo para sa post-abortion sa mga Pilipina, marami paring mga kaso ng pasalita at pisikal na pang-aabuso sa mga kababaihan ngayon. Ang ilang mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan ay hindi lang tumatanggi na bigyan sila ng serbisyong pangkalusugan, ngunit pinagbabantaan pa nila sila na ipapakulong ang mga ito. Ang stigma na nakapalibot sa aborsyon ay malinaw na tumagos na sa at malalim na malalim na sa sistema ng kalusugan ng publiko sa bansa, kung kayaât pinapanganib ang buhay ng mga kababaihan sa buong bansa natin.
Sa konklusyon, hindi nakakalutas ng problema kung patuloy ng gagawing iligal ang pagsasagawa ng aborsyon, ngunit nakakadagdag pa sa mga komplikasyon na makakabanta sa buhay ng nagbubuntis at itoây yumuyurak sa karapatang pantao ng mga kababaihan. Ito ay hindi tumutugon sa ugat ng suliranin kung kayaât ang ating mga kababaihan ay nangangailangan paring sumailalim ng aborsyon. Kaunti lamang ang nakakaintindi na ang aborsyon ay isyung socioekonomiko lalong-lalo na sa mga mahihirap na bansa tulad ng Pilipinas kung saan mayroong malaking puwang sa pinansyal na kakayahan, lebel ng edukasyon, paraan ng pagpaplano ng pamilya, at iba pang mahahalagang kadahilanan. Matagal na tinatrato ang aborsyon bilang isang itim-at-puting, o mabuti-o-masamang isyu lalong lalo na sa moralidad kasama ng relihiyon ng isang tao, ngunit sa katotohanan ang aborsyon ay isang isyu na interseksyonal at may maraming pananaw na kailangang isaalang-alang na kailangang pag-aralan at pag-usapan sa pamamagitan ng konteksto at pananaw ng isang Pilipina.
References:
âDilatation and Evacuation.â BPAS, www.bpas.org/abortion-care/abortion-treatments/surgical-abortion/dilatation-and-evacuation/.
âFacts on Abortion in the Philippines: Criminalization and a General Ban on Abortions.â Center for Reproductive Rights, https://www.reproductiverights.org/sites/crr.civicactions.net/files/documents/pub_fac_philippines_1%2010.pdf
Finer, Lawrence B, and Rubina Hussain. âUnintended Pregnancy and Unsafe Abortion in the Philippines: Context and Consequences.â Guttmacher Institute, Aug. 2013, www.guttmacher.org/report/unintended-pregnancy-and-unsafe-abortion-philippines-context-and-consequences.
Padilla, Clara Rita, and Minguita Padilla. âThe Reality of Abortion in the Philippines.â Rappler, 12 Sept. 2015, rappler.com/voices/ispeak/reality-abortion-philippines.
âHere Are the Basic Facts about Abortion That You Should Know.â Amnesty International, www.amnesty.org/en/what-we-do/sexual-and-reproductive-rights/abortion-facts/.
âUnintended Pregnancy and Abortion Worldwide.â Guttmacher Institute, 18 Aug. 2020, www.guttmacher.org/fact-sheet/induced-abortion-worldwide.
âInternational Law.â OHCHR, www.ohchr.org/en/professionalinterest/pages/internationallaw.aspx.
English Link: https://tinyurl.com/legalizeabortion-eng
Comments